Inatasan ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensya ng gobyerno na isumite ang kanilang Philippine Tropical Fabrics (PTF) Compliance Survey hanggang Agosto 7, 2026.
Layunin ng online survey na matiyak ang pagsunod ng mga ahensya sa reporting requirements sa ilalim ng Philippine Tropical Fabrics Law sa pamamagitan ng PTF Monitoring Tool.
Ang Human Resource Management Officer o itinalagang IGHRS focal person ang dapat mag-log in gamit ang rehistradong IGHRS account upang maisumite ang ulat.
Ayon sa CSC, para sa tulong sa paggamit ng sistema, maaaring makipag-ugnayan ang mga ahensya sa kani-kanilang CSC Regional o Field Office.