Inihayag ni Natioal Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag ang kanyang kahandaan na tumestigo sa Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Paglilinaw ni Matibag na pakiusap at hindi pagdidikta ang kanyang sinabi sa kagustuhan niyang agad nang maisalang ngayong linggo sa witness stand.
Una nang sinabi ni Matibag, na ang dahilan ng kanyang pakiusap at hiling ay dahil sa dadaluhan niyang International Anti-Scam Summit na gaganapin sa Bangkok, Thailand.
Ani Matibag, napakahalaga ng kanyang magiging pagdalo rito lalo’t kabilang sa mga magiging focus dito ay ang pagtanggal sa Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force o FATF.
Inaasahan din niyang makakadaupang palad sa nasabing summit si United States Federal Bureau of Investigation o FBI Director Kash Patel.