Naglabas ng abiso ang pamunuan ng Intramuros sa Maynila para maiwasan ang mga posibleng abala sa publiko na dadayo sa nasabing tourist spot ngayong weekend.
Ayon sa anunsyo pansamantalang isasara ang ilang pangunahing lansangan sa Intramuros, Maynila sa Sabado, Hulyo 18, mula ala-una hanggang alas-otso ng umaga para sa Haier Fun Run 2026.
Dagdag pa ng Intramuros Administration, ipatutupad ang road closures upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng aktibidad.
Pinayuhan ang mga residente, motorista at iba pang stakeholder na gamitin ang mga itinakdang alternatibong ruta at maglaan ng dagdag na oras sa biyahe.