Photo courtesy of DICT
Maaga nang binuo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang COMELEC Advisory Council bilang paghahanda sa 2028 National at Local Elections.
Ayon sa DICT, layunin nitong mapalakas ang seguridad, pagiging transparent, at kredibilidad ng automated election system laban sa mga banta sa cybersecurity.
Pinangunahan ni DICT Secretary Henry Aguda ang muling pagbubuo ng konseho, halos dalawang taon bago ang itinakdang panahon sa ilalim ng batas.
Kabilang sa mga miyembro ng konseho ang mga kinatawan mula sa DepEd, DOST, academe, ICT sector, at election reform groups.
Nakapagsumite na rin ang konseho ng mga rekomendasyon para sa Secure Electronic Transmission System at Online Voting and Counting System na gagamitin sa 2028 polls.
Ayon kay Aguda, makatutulong ang maagang paghahanda upang matiyak na ligtas, maaasahan, at kapani-paniwala ang magiging halalan sa 2028.