Kumpiyansa ang Meralco Powergen Corporation na lalo pang tatatag ang ugnayan ng pribadong sektor at ng pamahalaan pagdating sa renewable energy projects sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program.
Ayon kay Meralco Powergen Corporation Chairperson Manuel Pangilinan hindi magiging posible ang matagumpay na inagurasyon ng MTerra Solar Project Phase 1 kung wala ang suporta ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ani Pangilinan, hindi lang seguridad at pansalag sa mga posibleng power shocks ang maitutulong ng MTerra kung hindi isa rin ito sa mga magiging key factors upang makamit na ng Pilipinas ang inaasam nitong Energy Independence at pagpapatatag pa ng energy security.
Kakambal na nga rin nito ang inaasahang mas mababang singil sa kuryente oras na maisama na ito sa power mix sa buong bansa.