Nakatakdang humarap ngayong umaga sa Sandiganbayan 3rd Division si Senador Rodante Marcoleta, kasama ang mga doktor mula sa PNP General Hospital at UP-Philippine General Hospital (UP-PGH).
Ito ay kasunod ng isinagawang independent medical examination kay Marcoleta sa UP-PGH kahapon, alinsunod sa utos ng korte.
Sa pagdinig, tatalakayin kung may pangangailangan pa bang manatiling naka-confine ang senador sa PNP General Hospital.
Inatasan din ng korte si UP-PGH Director Dr. Gerardo Legaspi o ang kanyang kinatawan na magsumite ng medical report at rekomendasyon batay sa isinagawang pagsusuri.
Una nang sinabi ng PNP-CIDG na bumuti na ang lagay ni Sen. Marcoleta at inaasahang matatapos na rin ngayong araw ang kanyang gamutan para sa mild pneumonia.