Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Bagyong Inday at Habagat.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa ₱66.4 milyon ang halaga ng ayudang naihatid sa apektadong local government units (LGUs) sa 12 rehiyon sa bansa.
Sumampa na rin sa 80,726 family food packs (FFPs), 11,082 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 3,064 non-food items (NFIs) ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, as of July 14 ay nasa higit 244,000 pamilya o katumbas ng higit isang milyong indibidwal ang naitalang apektado ng bagyo.
Mula sa bilang na ito, nasa halos 5,000 pamilya o 21,557 ang nananatili sa evacuation centers.
Umakyat na rin sa 766 kabahayan ang naitala ng DSWD na napinsala habang 853 ang partially damaged.