Mula sa Sandiganbayan ay idiniretso na sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas si Sen. Rodante Marcoleta.
Ito sa bisa ng utos ng Sandiganbayan 3rd Division na mailipat na ng kustodiya ang senador.
Sa isinagawa pagdinig ng anti-graft court, inirekomenda ng University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) na wala nang kondisyong medikal ang senador na nangangailangan ng pananatili sa ospital.
Pasado alas-10 ng umaga nang ihatid sa New QC Jail Male Dormitory si Marcoleta.
Ayon kay PNP-CIDG NCR Chief Col. John Guiagui, agad nilang ipinatupad ang utos ng korte at isinagawa ang turnover ng kustodiya sa BJMP. Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa pamunuan ng kulungan para matiyak ang maayos na paglilipat ng senador.
Hindi pa naman naisasalang sa arraignment si Marcoleta sa kasong plunder dahil sa mga nakabinbing mosyon sa korte.