Screenshot
Para mas mapaigting ang kaligtasan ng mga kabataan sa eskwelahan, inihahanda ng Quezon City Government ang paglulunsad ng isang values formation program para sa mga magulang.
Ayon kay Quezon City Council Majority Leader Aly Medalla, layon ng programa na mabigyan ng gabay ang mga magulang para mas maging aktibong katuwang sa paghubog at paggabay sa kanilang mga anak.
Aniya, mahalagang hindi lamang ang mga paaralan ang may pananagutan sa paghubog ng mga kabataan kundi maging ang pamilya at buong komunidad.
Nabuo naman ang programa matapos ang serye ng konsultasyon sa mga magulang at popondohan ito sa pamamagitan ng Special Education Fund (SEF).
Kaugnay nito, naisalang na rin sa konseho sa lungsod ang School Safety and Child Protection Ordinance na layong palakasin ang proteksyon sa mga mag-aaral at inaasahang maipapasa ngayong taon.