Naghain ng “not guilty” plea sa Sandiganbayan Third Division sina dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray kaugnay ng kinahaharap nilang kasong plunder.
Sila ay mga kapwa akusado ni Sen. Rodante Marcoleta, na hindi pa naisasalang sa arraignment dahil sa mga nakabinbing mosyon sa korte.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y P75 milyong donasyon na tinanggap ni Marcoleta noong kumandidato siya sa pagka-senador.
May nakabinbin nang petition for bail si Viray, habang wala pang inihahaing kahalintulad na mosyon sina Defensor at Espiritu.
Itinakda naman ng korte ang pre-trial ng tatlong akusado sa Agosto 10, 2026, at planong isagawa ang mga pagdinig tuwing Lunes at Huwebes.
Samantala, ni-reset ng Sandiganbayan ang arraignment nina Marcoleta at Espiritu para sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46, na na-consolidate na rin sa Third Division.