Ngayong araw magaganap ang courtesy call ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong bilang bahagi ng tatlong araw na working visit nito sa nasabing bansa.
Sa pagkikita ng dalawang lder ay inaasahang mapag-uusapan ang kooperasyon sa larangan ng trade and investment, environment and health at regional and global development.
Bukod sa kanilang pagkikita ng Punong Ministro ng Singapore ay dalawang mahalagang pagpupulong din ang kasama sa schedule ng Pangulo para sa araw na ito.
Ito ay ang dalawang magkasunod na business meetings kung saan ay inaasahang makakaharap ng Pangulo ang mga business leaders sa Singapore.
Ang nakatakdang pagpupulong ay magaganap sa gitna ng pagsisikap ng Chief Executive na makahikayat ito ng mamumuhunan sa bansa lalo at tumaas ang estado ng Pilipinas bilang upper-middle income country na inaasahang magdudulot ng kumpiyansa sa mga investors sa bansa.