Walang-patid ang pagtulong ng pamahalaan partikular ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Pilipinong nangangailangan sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na pumalo na sa 1.6 million households na 4Ps beneficiaries ang graduate na sa programa matapos makita na nagkaroon na ng positibong pagbabago sa kanilang lebel ng well-being.
Sa ngayon, aabot pa sa tatlong milyong households na benepisyaryo ng 4Ps ang patuloy na mino-monitor ng DSWD na inaasahang makaga-graduate din upang maputol na ang tinatawag na inter-generational poverty.
Idinetalye din ni Dumlao na masusi ang ginagawa nilang pagsusuri upang matiyak na talagang graduate na ang isang pamilya sa 4Ps program.