Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlo sa apat na suspek sa pagpatay sa American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter.
Ito ang kinumpirma ni PNP Acting Spokesperson PCol. Allen Rae Co sa pulong-balitaan sa Camp Crame ngayong umaga.
Ayon kay Co, naaresto ang mga suspek kagabi na kinilala sa mga alyas na M.O. at J.F., na sinasabing umano’y nanggahasa sa live-in partner ng biktima.
Naaresto rin ang isa pang suspek na kinilala sa alyas na C.D., na nagsilbing lookout sa krimen, habang tinutugis pa ang isa pang suspek na inaalam pa ang partisipasyon.
Robbery ang nakikitang motibo sa krimen at wala itong kinalaman sa trabaho ng biktima.