Kakailanganin ng boto ng “simple majority’ ng mga senator-judges para maaprubahan sa lunes ang hiling ng prosekusyon na ipa-subpoena ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.
Paliwanag ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, kung ilang senator-judges ang present sa sesyon sa lunes, majority nun o fifty percent plus 1 ang kailangan para maaprubahan o hindi ang mosyon ng prosekusyon.
Ayon kay Tongol, kapag ordinaryong botohan, sapat na ang majority para sa isang quorum.
Halimbawa, kung 21 na senator-judges ang present, 11 na boto ang kailangan. | ulat ni Nimfa Asuncion