ERC
Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapatupad ng consumer protection measures sa ilalim ng Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency.
Saklaw nito ang lahat ng Distribution Utilities sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa ERC, dahil dito suspendido ang disconnection ng serbisyo ng kuryente para sa mga residential at non-residential consumers na hindi makapagbabayad ng kanilang electric bills para sa billing period ng August hanggang October 2026.
Inatasan din ang mga Distribution Utilities na ipagpatuloy ang staggered o deferred payment schemes para sa mga consumer na may buwanang konsumo na hindi lalampas sa 200 kilowatt-hours (kWh).
Maaari naman bayaran ang kanilang electricity bills ng installment sa loob ng tatlong buwan mula sa pagtanggap ng billing statement.
Kinakailangan naman magsumite ang mga Distribution Utilities ng compliance report sa ERC sa loob ng 30 araw matapos ang Extended Covered Billing Period o hanggang October 30, 2026. | ulat ni Diane Lear