Nagdesisyon ang senate impeachment court na sa Lunes, July 20, na pagpasyahan kung pagbibigyan o hindi ang hiling ng prosekusyon na magpalabas ng subpoena para sa mga tax at bank records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Manases Carpio at ilang mga negosyong nakaugnay sa kanila.
Ayon kay Impeachment court presiding officer Chiz Escudero, napagkasunduan ng mga senator-judge sa isang caucus na ipagpaliban muna ang pagdedesisyon sa usapin hanggang Lunes para mabigyan sila ng mas maraming panahon na pag-aralan ang mga komplikadong isyung kaugnay ng dalawang mosyon para sa pagpapalabas ng subpoena.
Idinagdag ni Escudero na sa lunes ay bibigyan ang bawat senator-judge ng sampung minuto upang magtanong sa magkabilang panig bago maglabas ng desisyon ang impeachment court.
Hiniling ng prosekusyon ang paglalabas ng bank at tax records nina VP Sara para suportahan ang alegasyon tungkol sa unexplained wealth nito. | ulat ni Nimfa Asuncion