Photo courtesy of Bureau of Immigration
Nahaharap sa kasong deportasyon ang 64-anyos na Irish national na si Michael Patrick Oreilly matapos umanong manakit ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sirain ang isang government-contracted tow truck.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), inaresto si Oreilly noong Hulyo 13 sa Camp Caringal sa Quezon City dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa at pagiging undesirable foreign national.
Inilipat si Oreilly sa BI Warden Facility sa Muntinlupa City habang hinihintay ang deportation proceedings.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na dapat sumunod sa batas at panatilihin ang maayos na asal ng mga dayuhang nananatili sa Pilipinas.