PNA photos by Yancy Lim
Sinalubong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang training vessel na Itsukushima ng Japan Coast Guard (JCG) sa pagdating nito sa Maynila ngayong Hulyo 16 para sa apat na araw na port visit.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, layunin ng pagbisita na palakasin ang kooperasyon ng dalawang coast guard sa maritime safety, seguridad at katatagan ng rehiyon.
Kabilang sa mga aktibidad ang official calls, professional exchanges, ship tours, on-board activities at sports engagements.
Ang Itsukushima, na pinamumunuan ni Captain Naoki Mizoguchi, ay nasa huling bahagi ng JCG Fiscal Year 2026 Global Ocean Training Voyage na nagbibigay ng praktikal na pagsasanay sa mga kadete sa navigation, ship operations, leadership at international engagement.