Kinatigan ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza ang gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagsipa ng singil sa kuryente.
Ayon kay Alabanza, mahalagang mahimay at mabusisi kung ano nga ba ang nilalaman ng electric bill ng isang ordinaryong consumer at makita sa mas malinaw na perspektibo ang mga pinagdadaanan nitong proseso sa pangangasiwa ng mga energy stakeholders.
Sa panig naman ng NGCP kung sisilipin ang kabuuang bill ay wala pang 5 percent ang transmission charge na napupunta sa kanilang ahensiya.
Paglilinaw pa ni Alabanza na ang mas malaking bulto ng electricity bill ay dulot ng Generation Charge, Distribution Charge at Government Taxes.
Makatutulong din kung mapag-aaralan ng bansa ang iba pang electricity bill model ng ibang bansa upang maikumpara ang mga good practices na dapat i-adapt.