Inilahad ng Palasyo na nasa daan-daang mga kontrata para sa renewable energy ang naaprubahan na magmula noong 2022 hanggang ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa harap ng aniya ay patuloy na pagsusulong ng administrasyon sa pamumuhunan sa renewable energy.
Ayon kay Castro, ilang mga hakbang na din ang ikinasa para mapalakas ang kampanya sa renewable energy kagaya na lang halimbawa ng paglulunsad ng 10-year Green Energy Auction Program.
Layunin nitong madagdagan ang kapasidad ng renewable energy hanggang 2035.
Dagdag ni Castro, na target din ng gobyerno na itaas sa humigit-kumulang 40% ang bahagi ng renewable energy sa power mix ng bansa pagsapit naman ng 2040.