Ibinida ng National Food Authority (NFA) na climate-resilient na ang kanilang mga warehouse, na itinayo at isinaayos bilang paghahanda sa anumang uri ng kalamidad, maging bagyo man o lindol.
Sa panayam sa programang BOSES, sinabi ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson na hindi lamang malalakas na bagyo ang kayang salagin ng kanilang mga warehouse kundi maging ang malalakas na lindol.
Tinitiyak din ng NFA na ligtas laban sa ulan ang mga buffer stock ng bigas dahil, oras na tumama ang isang bagyo o malakas na ulang dulot ng Habagat, tinatakpan pa nila ng lona ang mga nakaimbak na bigas.
Binigyang-diin din ng NFA na patuloy ang pagpapahusay nito sa mga storage facility ng bigas upang matiyak na mas tatagal ang shelf life nito at mananatili itong dekalidad.
