Suportado ng Malacañang ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y ghost internet scheme sa mga information technology project ng pamahalaan.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, dapat managot ang sinomang mapatutunayang lumabag sa batas o umabuso sa pondo ng bayan.
Dapat din aniyang masusing imbestigahan ang mga transaksiyong kinasasangkutan ng mga public official na mayroong alegasyon ng anomalya.
“Sa lahat ng ma-anomalya na transaksiyon na kinapapalooban ng mga public officials ay dapat lamang itong maimbestigahan,” —Castro.
Binigyang-diin ng opisyal na dapat maihatid nang maayos sa publiko ang mga serbisyong pino-pondohan ng gobyerno.
Kaugnay nito, nanawagan din ang Palasyo sa mga contractor at investor na tuparin ang kanilang mga obligasyon at siguruhung kumpleto ang mga serbisyong binayaran ng pamahalaan.