Nakakasa na ang Digital Safety Campaign ng Department of Education (DepEd) na layong isulong ang kaligtasan ng mga maga-aral sa buong Pilipinas.
Isasagawa ang pilot testing sa ilang piling paaralan sa bansa, bago ito ilunsad nationwide.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, saklaw ng kampanya ang awareness at pagtuturo sa mga guro, maga-aral, at mga magulang na maging bukas ang kamalayan sa ligtas na pakikipag usap online ng mga bata o safe chatting, grooming, privacy, scam, at online child exploitation.
Gayundin, upang ipabatid sa mga ito ang kahalagahan ng pagiging responsable sa paggamit ng social media, online gaming, pagkakaroon ng malusog na screen time, at iba pa. Kabalikat ng DepEd sa kampaniyang ito ang DICT, PNP, DILG, CICC, Department of Health (DOH), National Bureau of Investigation (NBI), mga lokal na pamahalaan, at mga tauhan mula sa medical industry.