Mayroon hanggang ngayong buwan ng Hulyo ang mga ahensiya ng pamahalaan para maisumite ang kanilang compliance report at proof of submission para sa Performance Based Bonus (PBB) ng kanilang mga empleyado.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Gerald Janda, na sa bisa ng Executive Order 61 ay may 20 calendar days ang mga tanggapan ng gobyerno para sa submission ng kanilang report.
Pagkatapos nito ay mayroon namang 60 days ang validating agencies para busisiin ang reports na isinumite.
Mula dito ay kanilang inaasahang sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng September ay makakapag-isyu na ng final eligibility assessment.
Ito ani Janda ang magiging basehan sa paggawa ng listahan ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno na entitled sa 2024 PBB.