
Sa inilabas na ulat ng Google na pinamagatang The Gemini Report | Southeast Asia 2026, napag-alaman na kakaiba ang Pilipinas sa mga kapitbahay nito sa Southeast Asia dahil ito lang ang tanging bansa sa rehiyon kung saan mas maraming kababaihan o Pinay ang gumagamit at nagpapadala ng prompts sa Gemini kumpara sa mga kalalakihan.
Napag-alaman ding 90% ng mga prompt sa Gemini ay isinusulat sa English, ang pinakamataas na porsyento sa Southeast Asia.

Ilan sa mga pinakasikat na gamit ng Gemini sa ating bansa ay ang mga gawaing pang-akademiko at pagtulong sa pagsulat.
Dahil premiere hub ng mga Business Process Outsourcing (BPO) ang Pilipinas, ginagamit din ang Gemini sa pagtuon sa pangangailangan ng mga customer, pamamahala ng mga order, at paglikha ng marketing content. Ang mga prompts tungkol sa customer support content ay halos triple na mas marami sa Pilipinas kaysa sa Southeast Asia average.
Ang Gemini ay ang Artificial Intelligence o AI assistant na gawa ng Google. Sa buong mundo, nasa mahigit 900 milyong katao ang gumagamit nito.