Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na natanggap na nito ang counter affidavit ni Senador Alan Peter Cayetano na isinumite ng kaniyang abogado noong July 15.
Ito ay bilang tugon sa isinasagawang preliminary investigation sa reklamong Obstruction of Justice na inihain ng Civil Society Groups.
Sa ngayon, hinihintay pa ng Ombudsman ang counter affidavits ng mga kapwa respondent ni Cayetano na sina Senador Robinhood Padilla at si dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Matatandaang inatasan ng Ombudsman sina Cayetano, Padilla, at Aplasca na magsumite ng kanilang counter-affidavits kaugnay sa reklamong Obstruction of Justice na may kinalaman sa kontrobersyal na pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos ang nangyaring putukan. | ulat ni Diane Lear