Dapat na patunayan ni Vice President Sara Duterte na wala siyang pagkakasala at walang itinatago patungkol sa pondo ng bayan.
Reaksyon ito ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod ng pahayag ng kampo ni Duterte na bagamat wala silang kinatatakutang mga dokumento, tutol sila sa hiling na mabuksan ang financial records ng bise presidente dahil sa usaping legal.
Ayon naman kay Castro, hindi magic wand ang impeachment, ngunit ang magic word ay truth o katotohanan.
Kung wala aniyang kinatatakutan ang ikalawang pangulo, dapat lamang na ipabatid ni VP Sara sa mga Pilipino ang katotohanan.
“Katotohanan, ‘yan ang dapat na mapanatili sa mga pag-iimbestiga sa anumang kaso lalong-lalo na sa isang impeachment trial. Katotohanan, iyan lang ang magpapakita sa atin at makakapagbigay sa isipan natin kung ano ba, sino ba at paano ba ang dapat gawin ng bawat Pilipino.” —Castro.
Kaugnay nito, duda naman si Castro kung pipirma ng waiver ang bise presidente para sa kaniyang financial records.
“Mayroon na po ba tayong nakitang Duterte na nag-sign na waiver? Baka magkapukpukan pa ng mic dito. So, I don’t think so. Hindi niya gagawin iyon.” —Castro. | ulat ni Racquel Bayan