Binigyang diin ng Malacañang na trabaho ang pokus ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at hindi ang numero na lumalabas sa mga isinasagawang survey.
Ang pahayag ay ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kasunod ng pagtaas ng satisfaction ratings ng Presidente sa ikalawang bahagi ng 2026.
Ayon kay Castro, naka sentro ang atensiyon ng Pangulo sa pagta-trabaho at maipaabot kung ano ang dapat maipaabot sa ating mga kababayan.
Kung mayroon aniyang lumabas na namang survey sa susunod na buwan at ang resulta nito ay bumaba man o tumaas ay iisa ang tiyak, hindi apektado ang Pangulo ng numero.
Ang gagawin lang aniya ng Pangulo ay tuloy-tuloy na trabaho at wala sa isip ang makapagbakasyon man lang.