Fire debris sa Culiat Bridge, patuloy na nililinis ng QC LGU
Abala pa rin sa clean-up operations ang Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) sa kahabaan ng Congressional Avenue, para alisin ang mga fire debris na naiwan matapos ang sunog sa ilalim ng Culiat Bridge.
Kahapon, July 15 ang ikaapat na araw na ng operasyon ng Disaster Relief and Cleanup Support Team (DRCS), na layong mapabilis ang paglilinis ng lugar, at makatulong sa pagpapanumbalik ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang clearing operations ng QC TTMD sa mga alternatibong ruta habang nananatiling sarado sa mga motorista ang Culiat Bridge.