PBBM, ibinalita ang patuloy na pamumuhunan sa Pilipinas ng Singapore-based firm
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bunga ng pakikipag-pulong nito sa mga opisyal ng ABC Impact na isang Singapore-based investment firm na nasa linya din ng health care.
Sa Facebook post ng Pangulo, ibinahagi nito ang patuloy na paglalagak ng puhunan sa Pilipinas ng ABC Impact sa larangan ng health care sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa AC health ng Ayala group.
Ayon sa Pangulo, magbubunga ang partnership ng expansion sa hindi bababa sa 10 ospital, 300 clinics, at 1,150 pharmacies sa buong bansa ng 2027.
Lilikha aniya ito ng 10,000 direct healthcare at retail jobs para sa ating mga kababayan.