Photo courtesy of President Ferdinand R. Marcos Jr. Facebook
Nakapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executives ng Singtel Group, ang itinuturing na pinakamalaking telecommunications company sa Singapore.
Ayon sa Pangulo, sumentro ang pulong sa expansion investments sa bansa ng nasabing Singaporean telecoms company na susuporta sa lumalawak na digital economy ng Pilipinas.
Sa naganap na meeting ay muling pinagtibay ng Singtel ang commitment nito na palawakin pa ang kanilang investment at operasyon sa bansa, na lalong magpapatatag sa Pilipinas bilang attractive destination para sa digital economy investments.
Sinabi ng Pangulo, na ang gagawing expansion ng Singtel Group ay tutumbok sa AI, cloud technologies, at data center infrastructur na tiyak na lilikha aniya ng mas maraming de-kalidad na trabaho sa mga Pilipino.