Puspusan na ang pagtutok ng World Health Organization o WHO sa mala-apoy na pagkalat ng kaso ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo at ilan pang karatig bansa nito.
Iginiit ni Dr. Chikwe Ihekweazu ng World Health Organization na lalo pang bumilis ang transmission rate ng ebola virus at patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso.
As of July 11, sumipa na sa mahigit dalawang libo ang bilang ng kumpirmadong kaso sa limang probinsiya ng Congo habang pumalo naman sa mahigit pitong daan ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Ang ikinababahala ngayon ng WHO ay ang pagtaas ng mortality rate ng ebola virus at ang pagkalat ng sikat dahil sa unknown chains of transmission.