Ikinagalak ni Economist at Market Analyst Prof. Astro Del Castillo ang naselyuhang investment deal ng ABC Impact sa Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang mapalakas pa ang healthcare system ng bansa.
Mahalaga kasing mamuhunan na rin ang bansa sa healthcare lalo pa’t hindi naman pabata ang populasyon ng bansa at dapat ding matutukan ang human capital ng Pilipinas.
Bukod sa mas maayos na healthcare system, malaki rin ang maiaambag nito upang mapaunlad pa ang mga medical at healthcare facilities ng bansa.
Sagot din ito upang maging mas abot kaya para sa mga mahihirap na Pilipino ang mga mabubuong healthcare packages mula sa investment deal sa Singapore.