Sumuko sa mga awtoridad ang isa pang suspek sa pagpatay sa American Marine Biologist sa Negros Oriental na si Dr. Kent Carpenter.
Sa panayam sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni PNP Acting Spokesperson, Police Colonel Allen Rae Co na sumuko kaninang umaga ang naturang suspek, na nagsilbi ring look out sa krimen.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na lima ang lahat ng mga suspek na kasalukuyan na ring tinutugis ng binuong Special Investigation Task Group (SITG).
Nananatili naman sa robbery ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen at walang kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang Marine Biologist.