Kasabay ng paggunita sa 3rd National CPR Day ngayong araw, idinaos ng Philippine Heart Association ang kanilang taunang kampanya o 11th Nationwide Mass CPR Awareness Campaign sa Barangay Rizal, Taguig City.
Pinangunahan ng mga doktor at eksperto mula sa Philippine Heart Association ang pagpapaunawa sa publiko ng kahalagahan ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.
Tinuruan din ang ilang kawani ng barangay at iba pang volunteers sa tamang pagsasagawa ng hands-on CPR at paggamit ng automated external defibrillator (AED), na kritikal sa isang emergency situation.
Ayon sa Philippine Heart Association, ang kadalasang kaso ng atake sa puso ay nangyayari sa labas ng ospital.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, cardiovascular diseases pa rin ang pangunahing sanhi ng pagpanaw sa Pilipinas.
Noong 2025, 30 Pilipino ang namamatay sa atake sa puso kada oras o katumbas ng 70,000 Pilipino kada taon.
Kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pagsasagawa ng hands-only CPR at paggamit ng AED.