Muling magbubukas ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Navotas para mag-alok ng mas murang mga produkto sa publiko.
Sa abiso ng LGU, dadayo Ang Kadiwa ng Pangulo sa Navotas Sports Complex ngayong Biyernes, July 17, mula 8:30am-3:00pm.
Inaasahang magiging available dito ang ₱20/kilong bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, 4Ps, registered fisherfolk, at miyembro ng TODA alinsunod sa guidelines ng Department of Agriculture.
Nagpaalala lamang ang LGU na first come, first served ito, hanggang may suplay.
Bukod sa murang bigas, makakabili rin ng murang mga gulay, prutas, manok, at karne katuwang ang mga kooperatiba.