Siyento porsiyento nang handa ang Kamara de Representantes para sa nalalapit na ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay House Sergeant-at-Arms chief retired Police Brigadier Gen. Ferdinand Melchor Dela Cruz, plantsado na ang lahat ng kanilang paghahanda partikular sa latag ng seguridad sa Kamara.
Bagamat wala pa silang namo-monitor na banta sa gaganaping SONA ay pinaghahandaan pa rin nila ang anomang untoward incidents sa labas ng Batasang Pambansa.
Ani Dela Cruz, mahigpit na ang koordinasyon nila sa Philippine National Police at iba pang miyembro ng otoridad upang matiyak na walang mangyayaring anomang security breach sa gaganaping SONA.