Matagumpay na naisagawa ang walkthrough at ocular inspection sa loob ng Batasang Pambansa bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Mismong si House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil ang nanguna sa pag-iinspeksiyon sa loob ng Kamara upang tiyaking plantsado na ang lahat ng paghahanda.
Muli namang nagpaalala si Secretary General Garafil sa mga dadalo sa ika-5 SONA ni Pangulong Marcos na magsuot lamang ng modest clothing, alinsunod sa nauna nang pahayag na magiging simple ang isasagawang SONA at wala ring ilalatag na red carpet.
Ayon kay Garafil, isa rin itong paraan ng pakikiisa sa bawat Pilipinong humaharap sa iba’t ibang krisis at pagpapakita ng sinseridad ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kinahaharap na hamon ng bansa.