Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na anim hanggang pitong bansa ang inaasahang lalagda at magiging kasapi na sa Treaty of Amity of Cooperation in Southeast Asia (TAC) para sa week-long Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meetings, sa darating na July 24.
Ayon kay DFA Spokesperson for ASEAN Affairs Dominic Xavier Imperial, ang signatory countries ay kakatawanin ng kani-kanilang Foreign Minister na ipi-prisinta sa 50th Anniversary hosting ng Pilipinas sa TAC.
Inaasahang dadaluhan ng aabot sa 60 delegado ang nasabing aktibidad na kinabibilangan ng contracting parties at bagong signatory countries.
Sa kaparehong aktibidad, inaasahan ding bubuo ang ASEAN ng bagong mekanismo o modality of engagement para sa party members at kahit pa ang mga bansang hindi parte ng ASEAN dialogue at sectoral dialogue partners, na mapalalim pa ang engagement sa ASEAN.