Mas tututukan pa ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapaigting ng “Yes to Ayos Disiplina” Campaign partikular sa mga paaralan at educational institutions.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes mahalaga kasi na maumpisahan na ang paglilinang ng kahalagahan at disiplina sa mga kabataan upang mapanatili ang kaayusan at pagsunod sa mga ipinatutupad na alituntunin sa Metro Manila.
Nakipag-ugnayan na rin ang MMDA sa Department of Education o DepEd para magkaroon ng tie-up upang mas marami pang programa na konektado sa Yes to Ayos Disiplina Campaign ang mailunsad.
Tinitignan na rin ngayon ng MMDA ang isang grand launch ng Yes to Ayos Disiplina campaign sa buong Metro Manila.