Ikinalungkot at ikinabahala rin ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang sinasapit ngayong pangamba ng mga Motorcycle taxi o MC taxi rider kasunod ng insidente ng pagpatay sa isang rider kamakailan.
Ani Gutierrez, hindi dapat nagmamakaawa ang mga MC taxi riders para sa kanilang kaligtasan kasunod ng naglipanang paglalagay ng mga signages ng mga riders sa kanilang mga helmet upang hindi sila mabiktima ng masasamang-loob.
Kaya naman bilang tugon dito ay nakikipag-pulong na sila sa nga TNVS companies at motorcycle hailing apps upang maitaas na ang antas ng seguridad at proteksiyon para sa mga MC taxi riders.
Inaasahan ngang sa susunod na lingo ay sasalang sa pagpupulong ang 1-Rider Party-list kasama ang mga TNVS, Motorcycle hailing apps at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang talakayin ang mga panukala patungkol sa kaligtasan at seguridad ng mga motorcycle taxi riders.
Mariin ding kinondena ng mambabatas ang lahat ng uri ng pag-atake at karahasan laban sa mga MC taxi riders na nagta-trabaho lang naman at patas na lumalaban sa buhay.