Walang-patid ang pagsusulong ng Armed Forces of the Philippines o AFP ng mga programa sa loob ng kanilang institusyon sa kabila ito ng nalalapit na pagre-retiro ni AFP Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ito umano ang unang pagkakataon na nakabuo ng 3-full year term ang isang hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas bagay na kanilang ipinagpapasalamat.
Wala ring magbabago sa mga isinusulong nilang programa magpalit man ng liderato ang AFP at lalong hindi mapa-paralisa ang kanilang operasyon dahil sa pagre-retiro ni AFP Chief Brawner.
Tiniyak din ni Padilla sa sambayanang Pilipino na hindi titigil ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pangangalaga ng soberanya ng bansa at pagpapatupad ng kanilang misyon at mandato lalo’t ito ang kanilang sinumpaang tungkulin.