Hindi naniniwala si Department of National Defense (DND) Sec. GIlberto Teodoro Jr. na walang kinalaman ang Chinese government sa inilabas na mapang-hamak na AI-generated video ng state-run media outlet na China Daily.
Kaugnay ito nang nauna nang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na wala umanong kinalaman ang Chinese government sa nasabing video at ayaw na rin nilang mag-komento dito.
Buwelta ni Teodoro na paanong hindi malalaman ng gobyerno ng China ang tungkol sa nasabing video kung ang naglabas nito ay isang state-sponsored media entity na China Daily.
Dagdag pa ng kalihim na lalong hindi nagging kapani-paniwala ang sagot ng China dahil sa komunistang bansa nila ay wala namang nakalalabas na impormasyon na walang basbas at pahintulot mula sa kanilang pamahalaan.