Kasado na ang mga paghahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagtiyak ng seguridad sa nalalapit na ika-limang State of the Nation Address o SONA ni Pagulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na handa na ang NCR command unit ng military upang tiyakin ang latag ng seguridad para sa gaganaping SONA.
Maigting na rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang miyembro ng otoridad partikular sa Philippine National Police (PNP) at Presidential Security Command (PSC) upang siguruhing walang mangyayaring security breach sa kanilang pagbabantay.
Pagtitiyak pa ni Padilla na makakaasang magiging mahigpit ang kanilang kordon ng seguridad para sa mapayapang pagdaraos ng SONA.