Aabot sa 1,519 pamilyang naapektuhan noon ng Bagyong Odette sa Talisay City, Cebu ang nakatanggap ng tig-Php 10,000 sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA).
Bahagi ito ng programa ng NHA upang matulungan ang mga residente sa pagkukumpuni o muling pagtatayo ng kanilang mga tahanang nasira dahil sa kalamidad.
Sa buong lalawigan ng Cebu, kabuuang 5,274 benepisyaryo mula sa Carmen, Danao City, at Talisay City ang makatatanggap ng ayuda na may kabuuang halaga na P52.74 milyon.
Nagpapatuloy ang distribusyon sa iba pang lugar, kabilang ang Bulacao at Lagtang, upang matiyak na maaabot ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon sa NHA, layunin ng programa na suportahan ang pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad at matulungan silang magkaroon muli ng ligtas at maayos na tahanan.