Pormal na bubuksan bukas, Oktubre 5, ng Department of Human Settlements and Urban Development ang National Shelter Month 2026.
Gaganapin ang opening program sa DHSUD Central Office, kasama ang mga government agency at housing stakeholders.
Tema ngayong taon ang “Tahanan. Pamayanan. Kinabukasan,” na nakatuon sa maayos na tahanan at matatag na komunidad.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, patuloy nilang palalawakin ang access sa ligtas, disenteng at abot-kayang pabahay.
Kabilang sa mga aktibidad ang housing booths at exhibits mula Oktubre 5 hanggang 8, at ang lingguhang Kapihan sa Radyo.
Isasagawa rin ang National Housing Expo sa Oktubre 19 hanggang 20.