Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang publiko na gamitin ang Unified 911 Emergency Hotline bilang bahagi ng paghahanda sa sakuna.
Ayon sa DILG, nakatutulong ang mabilis na pagtawag sa 911 upang mailigtas ang buhay at agad na marespondehan ang mga insidente.
Sa iisang numero, maaaring humingi ng tulong mula sa police, fire, medical, at rescue services sa buong bansa.
Inilunsad ang Unified 911 noong 2025 upang gawing mas mabilis at koordinado ang emergency response ng pamahalaan.
Mula nang ilunsad ito, nakatanggap na ang hotline ng halos 12 milyong tawag.
Nanawagan ang DILG sa publiko na gamitin ito nang tama at responsable upang mapalakas ang disaster resilience ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer