Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi nagmula sa kagawaran ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance partikular sa Group 2 o mga mahihirap at near-poor households at Group 3 o low income earners.
Ayon sa kalihim, ang listahan ay ibinigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), kung saan tinukoy ang mga mahihirap, near-poor, at iba pang kwalipikadong kabahayan.
Aniya, ang naging papel lamang ng DSWD ay ang cross-matching ng datos mula sa PSA para matiyak ang maayos na implementasyon ng programa.
Binigyang-diin din niya na walang kapangyarihan ang DSWD na magdagdag o magbawas ng mga pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo at wala ring naging panghihimasok dito ang sinumang politiko, opisyal, o lokal na pamahalaan (LGU).
Paano ko po malaman Kung kasama ako sa list ng uplift members… thanks
Kasama po ba aqo sa uplift beneficiary
Nelmida Enrile