Inihayag ng Malacañang na hindi ikinatutuwa ng pamahalaan ang mga naiuulat na krimen nitong mga nakalipas na araw.
Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may nakikita ngang insidente ng krimen subalit sa pangkalahatan ay maayos naman ang peace and order sa bansa.
Sa katunayan ani Castro ay may mga lugar pa ngang naiulat ang Philippine National Police (PNP) na walang naitalang krimen o zero crime.
Dangan lang kasi sabi ni Castro ay naha-higlight sa mga balita ang naganap na krimen nitong mga nakalipas na araw na kung tutuusin ay mabilis din namang naaksiyunan ng pulisya.
Pinanghahawakan din ng Palasyo ang ulat ng PNP na bumaba ang crime rate ng 20.6% na mula sa 9,506 cases nuong January hanggang April ay bumaba ito sa 7, 883 cases, nitong July.