Pinapayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasaherong uuwi sa probinsya ngayong Undas na iwasang sumakay sa mga kolorum na sasakyan.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr., walang passenger accident insurance ang mga ilegal na bumibiyahe.
Ibig sabihin, maaaring hindi makatanggap ng benepisyo ang mga pasaherong masasangkot sa aksidente.
Posible ring maantala ang biyahe kapag nahuli ang mga kolorum sa operasyon ng LTFRB, LTO at Highway Patrol Group.
Pinapayuhan ni Pua ang publiko na tiyaking lehitimo ang operator bago mag-book o bumili ng tiket. Maaari ring makipag-ugnayan sa LTFRB para matiyak lamang na legal ang bibiyahing sasakyan.